May 5, 2011

"Ako 'to"



      Subukan mong kilalanin ang aking sarili sa kakaunting oras lamang at sa mga letrang pinag-buklod ayon sa aking pagkatao. Umpisahan  natin sa mga bagay na alam kong maihahalintulad sa aking sarili.


      Nanggaling ang aking pinagmulan sa wala, ako'y isang bata na walang alam, hinulma ng mga taong nagturo sa'kin pano harapin ang buhay sa umiikot na mundo nating pinatatag na makatayo sa akng sariling paa, pinanatag ng init nag pagmamahal at mga karanasang nag-iwan ng isang instrumento ng Diyos na mapawalig ang kahalagahan ng buhay.


       Mahiyain ako sa totoo lang, ngunit pinipilit ko na mabago, isang rason kaya ako sumasali sa mga organisasyon para mapalawak ang aking kaalaman, mas nakakatulong din naman ang madaming kaibigan.


       Dati mas gusto kong nakakulong lang sa bahay, ayoko talagang lumalabas, pero ngayon dahil marami na akong kaibigan nagkaroon na din ako ng interes na sumama sa kanila, kain sa labas, gala sa mall, at nakapasok narin ako ng restobar.


       Sabi nila unang kita palang nila sa akin, ako ang tipo ng taong nang-iiwan, maraming karelasyon, nagtataka ako at nagtanong BAKIT MO NASABI YAN? Basi lang daw 'yon sa aking AURA, sabi ko naitatago ng porma ko kahinaan ng aking pagkatao, kilalanin mo muna ako ng mabuti, pag nakilala mo ang mailap kong pagkatao dun mo masasabing lahat ng mga masasamang nakita mo sa'kin ay pawang panlabas lamang.